Global cases ng COVID-19 mahigit 26.4 million na

Umabot na sa mahigit 26.4 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes (Sept.4) ay 26,456,925 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 286,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 44,000 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 84,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 6,334,964
Brazil – 4,046,150
India – 3,933,124
Russia – 1,009,995
Peru – 670,145
Colombia – 641,574
South Africa – 633,015
Mexico – 610,957
Spain – 488,513
Argentina – 451,198

 

 

Read more...