Ricardo “Ardot” Parojinog natagpuang patay sa loob ng kaniyang selda

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pagkasawi ni Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog.

Si Parojinog ay natagpuang patay sa loob ng kaniyang selda sa Ozamiz Police Station.

Ipinag-utos na ni PNP chief Gen. Camilo Cascolan ang imbestigasyon sa nangyari.

Si Ardot ay kapatid ng nasawing si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Inatasan ni Cascolan si Police Regional Office-10, Police Brigadier General Rolando Anduyan na agad ding isailalim sa restrictive custody ang Ozamiz City Police chief at lahat ng pang-gabing pulis na naka-duty sa police station.

 

 

 

Read more...