90 na dagdag na kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng 90 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas na nakuha ng Radyo INQUIRER, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 3,249 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Umabot naman na sa 2,055 ang mga gumaling sa sakit at 1,168 na lang ang aktibong kaso.

Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa lalawigan ng Leyte at Samar.

Kabilang sa mga bagong nagpositibo ang apat na healthcare workers mula sa Samar.

 

 

 

 

 

Read more...