Dalawa ang nasawi sa pananambang sa Pasay

Patay ang dalawang katao sa pananambang na naganap sa Pasay City, Huwebes ng gabi.

Ayon sa mga otoridad, ang dalawang biktima ay mag-asawang negosyante.

Sakay ng kanilang AUV ang mag-asawa nang buntutan ng mga suspek at saka sila pinagbabaril nang sumapit sa bahagi ng Ortigas Street.

Lulan ng motorsiklo ang mga suspek.

Nakarinig na lamang ang mga residente sa lugar ng magkakasunod na putok ng baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa insidente.

 

 

 

Read more...