1 Pinoy sugatan, 1 pa nawawala sa nasunog na oil tanker sa Indian Ocean

oil tanker Indian Ocean

Tinupok ng apoy ang isang malaking oil tanker sa Indian Ocean sa bahagi ng eastern coast ng Sri Lanka.

Lulan ng naturang tanker ang 23 crew members na kinabibilangan ng 18 Pinoy.

Ayon sa tagapagsalita ng Indian Navy, isang Pinoy na crew ang nawawala at isang Pinoy crew din ang sugatan sa insidente.

Ang sunog ay nagsimula sa boiler sa engine room sa MT New Diamond.

Lulan nito ang 270,000 na metric tons ng crude oil mula sa port of Mina AL Ahmadi sa Kuwait.

Patungo sana sa Indian Port sa Paradip ang barko.

Agad nakapagpadala ng apat na barko ang Indian Navy at natagpuan ang 19 na crew na sakay ng lifeboats.

Maliban sa 18 Pinoy, mayroon ding 5 Greek citizens na crew ang barko.

Ang nasugatang Pinoy crew ay third engineer ng oil tanker na dinala na sa ospital.

Patungo na rin sa lugar ang dalawang anti-submarine Russian Ships para tumulong sa paghahanap sa nawawalang crew.

 

 

Read more...