Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 179.53 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (September 4) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 179.69 meters.
Bahagya namang nadagdagan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.18 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 98.95 meters habang nadagdagan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.00 mas mataas sa antas nito kahapon na 78.97 meters.
Samantala, ang water level ng San Roque at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao, Binga, Magat at Caliraya dams.
MOST READ
LATEST STORIES