Simula ngayong araw Sept. 4 ay magpapatupad ng daily water service interruption ang Maynilad sa maraming mga barangay sa Quezon City at 1 barangay sa Valenzuela.
Ayon sa Maynilad, kahapon ay nagkaroon na ng emergency water supply interruption ang ilang customer sa Quezon City makaraang lumubog sa tubig ang apat na pumps ng North C Annex Pumping Station dahil sa tumagas na discharge line.
Kasalukuyan nagsasagawa ng de-watering activity sa nasabing pasilidad at kailangang matuyo ang mga pump para maging operational muli.
Aabutin ng limang araw ang pagsaaayos sa apat na pumps.
Dahil dito, sinabi ng Maynilad na kailangang magpatupad ng daily water service interruption simula ngayong araw Sept. 4, 2020 hanggang Sept. 9, 2020, sa ilang bahagi ng Quezon City at Valenzuela City
Kabilang sa maaapektuhan ang mga barangay sa sumusunod na mga lugar:
Quezon City:
Bagong Silangan
Batasan Hills
Commonwealth
Greater Fairview
Payatas
Holy Spirit
North Fairview
Sta. Monica
Bagbag
Gulod
San Bartolome
Nagkaisang Nayon
Valenzuela City:
Ugong
Pinayuhan ng Maynilad ang mga residente na mag-ipon ng tubig sa mga oras na available ang supply sa kanilang lugar.
Naka-standby naman ang water tankers ng Maynilad para mag-deliver ng tubig kung kinakailangan.
Narito ang buong listahan ng mga apektadong mga barangay at ang oras ng service interruption: