Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, patunay dito ang numinipis na lamang sa popularidad sa pagitan ng mga tumatakbong presidentiables base na rin sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Ayon sa nasabing survey, nangunguna pa rin sa presidential race sina Senadora Grace Poe na nakakuha ng 26 percent ng boto habang si Binay ay nakakuha naman ng 25 percent.
Si Roxas, pareho ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay nakuha ng 21 at malayo naman sa panglima si Senadora Miriam Santiago na nakapagtala lamang ng 3 percent.
Ayon kay Lacierda, ibig sabihin ng numinipis na lamang sa pagitan ng mga kandidato na nakakahabol na ang reyalidad kontra sa mga kandidato na hindi maka-gulapay sa pagsusuri ng publiko.
Habang tumataas aniya ang mga atensyon na ibinibigay ng tao sa mga kandidato lalong nangingibabaw kung sino sa mga ito ang nagsusulong ng reporma.
Kumpiyansa sila na habang naliliwanagan ang mga botante mas maiisip nito na masyadong malaki ang potensyal ng bansa para isugal ang kinabukasan nito sa ibang landas maliban sa pagpapatuloy ng daang matuwid.