Ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonasito Umali, ituturo sa Grade 6 ang kasaysayan ng Martial Law mula 1946 hanggang 1972.
Ito ay nakapaloob aniya sa asignaturang aralin panlipunan maging ang pagkakaluklok sa pwesto ng dating Pangulong Corazon Aquino.
Kasabay nito, inaalam na ni Umali kung sa Deped o mga pribadong eskwelahan ang ilang libro na naglalaman umano ng maling impormasyon ukol sa Martial Law.
Matatandaang una nang kumalat sa facebook at iba pang social accounts na mali umano ang nakasulat na kasasaysayan sa ilang libro ng mga batang estudyante.
MOST READ
LATEST STORIES