Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City, 3,465 na

Umabot sa 34 ang bagong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Dahil dito, 3,465 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 7:00, Huwebes ng gabi (September 3), sa nasabing bilang ay 709 ang aktibong kaso.

690 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 486 ang suspected cases.

Samantala, 2,634 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 122 naman ang nasawi.

Read more...