Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (September 3), umabot na sa 228,403 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 65,240 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,987 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
90.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.7 porsyento ang asymptomatic; 1.0 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 91 out of 113 licensed laboratories.
Nasa 65 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 3,688 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 880 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 159,475 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.