Higit 100 LSI, ligtas na nakauwi sa Iloilo City

Ligtas na nakauwi ang mahigit 100 locally stranded individuals (LSIs) sa Iloilo City.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagmula ang mga LSI sa Lungsod ng Maynila.

Agad sinerbisyuhan ng PCG ang mga LSI pagkarating sa Arrastre Pier, Fort San Pedro, araw ng Miyerkules (September 2).

Isinailalim ang bawat LSI sa profiling at health screening bago nai-turnover sa kani-kanilang local government unit (LGU).

Sasailalim ang mga LSI sa mandatory 14-day quaratine sa isolation facility.

Read more...