Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, iginagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng mga mamababatas.
“Iyan po ay katungkulan ng Kongreso, rerespetuhin po kung ano ang magiging desisyon ng Kongreso,” pahayag ni roque
Pero ayon kay Roque, bago maging ganap na batas, dapat munang makapasa sa Kamara at Senado ang naturang panukala.
“Alam niyo naman po bago maging batas iyan, dapat pumasa sa Mababang Kapulungan at sa Senado,” pahayag ni Roque.
Matatandaang inaprubahan na sa Kamara sa third at final reading ang panukala ni Ilocos Norte Representative Angelo Marcos Barba na pamangkin ni dating Pangulong Marcos na dapat na bigyan ng pagpupugay ang kanyang tiyuhin dahil sa napakatalino at magagandang plano para sa bansa.
Kilala rin si Pangulong duterte na kadikit ng pamilya Marcos.