NCR at ilang probinsya sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makararanas pa rin ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang probinsya sa Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:10 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Tarlac, Pampanga, Batangas, Rizal at Laguna.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Candelaria, Zambales; Tagkawayan at Lopez, Quezon.

Asahang uulanin din ang bahagi ng Silang, Amadeo, Indang at Alfonso sa Cavite.

Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...