Naniniwala si Go malaki ang maitutulong ng mga panukala sa pakikipaglaban ng bansa at mga Filipino sa kasalukuyang pandemiya.
Sabi pa nito, makakatulong din ang mga ito sa pagbangon ng bansa mula sa krisis.
Kabilang sa mga panukala ni Go ang Medical Reserve Corps Act, Barangay Health Workers Act, Advanced Nursing Education Act, Mandatory Quarantine Facilities Act, DOH Hospitals Rationalization Act at ang act expanding the coverage of mandatory basic immunization program, among others.
“Habang kasalukuyang ginagawa ng gobyerno ang lahat para malampasan ang krisis na ito, ako naman, bilang isang legislator, naghain ako ng mga panukalang batas para mas mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa ating bansa. Ito ay para maging mas handa tayo sa kahit anumang krisis na darating,” paliwanag niya.
Tinatalakay na ang mga nabanggit na panukala sa Senado.