Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar bagong Deputy Chief for Administration ng PNP

Sa pagkakatalaga kay Police General Camilo Cascolan bilang hepe ng pambansang pulisya, nagkaroon ng paggalaw sa mga sumunod na matataas na puwesto.

Umangat bilang Deputy Chief for Administration si Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar at ang iniwan niyang puwesto na deputy chief for operations ay inupuan na ni Police Lt. Gen. Cesar Binag.

Samantala, si Police Maj. Gen. Joselito Vera Cruz naman na ang Chief Directorial Staff ang pang-apat sa pinakamataas na puwesto sa organisasyon ng PNP.

Bago ang pagtalaga sa kanya sa puwesto, si Cascolan ang deputy chief for Operations ng nagretirong si dating PNP Chief Archie Gamboa.

Nakatakda naman ng magretiro din sa serbisyo si Cascolan pagsapit ng kanyang ika-56 kaarawan sa darating na Nobyembre.

 

 

 

Read more...