Bataan, Zambales uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Sa inilabas na Thunderstorm Advisory ng PAGASA alas 12:20 ng tanghali araw ng Huwebes, Sept. 2, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa dalawang lalawigan.

May kaakibat ding malakas na hangin ang mararanasang pag-ulan.

Ganitong lgay na rin ng panahon ang umiiral sa mga bayan ng Tagkawayan, San Francisco at San Andres sa Quezon.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

 

Read more...