Pagtatayo ng special economic at freeport zone sa loob ng Bulacan Airport City aprubado na ng mga komite sa Kamara

Lusot na sa House Committee on Economic Affairs at House Ways and Means Committee ang panukala upang lumikha ng special economic zone at freeport sa Bulacan Airport City.

Ayon kay Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, inihiwalay nila ang panukala para sa pagbibigay ng franchise sa SMC at ang itatayong economic zone sa Bulacan Airport.

Ito aniya ay upang maging malinaw kung ano ang magiging papel ng freeport zone at kung anong magagawa nito para sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Sabi naman Economic Affairs Chairman Sharon Garin na ang prangkisa ay ibinibigay sa pribadong indibidwal at anumang tax rates na iginagawad sa franchisee ay kaiba.

Iba ayon sa lady solon ang tax schemes sa mga ecozones at freeports.

 

 

Read more...