Sa ilalim ng House Bill 7572 ni Quimbo, na maaaring payagan ng Commission on Elections (Comelec) ang postal voting kung ito ay kinakailangan tulad ngayong panahon ng pandemya.
Paliwanag ni Quimbo, noong nakalipas na 2019 elections, 9.1 million sa kabuuang 61.8 million registered voters ay mga nakatatanda.
Hindi aniya dapat hayaan na pagkaitan ng kanilang Karapatan na makaboto ang mga senior citizens dahil sa nangyayaring pandemya.
Iginiit ng kongresista na hindi ito bagong panukala dahil ang US, UK, Switzerland, Australia at New Zealand ay maaaring bumoto gamit ang koreo.
Natitiyak aniya ng postal voting para sa mga matatanda na naitataguyod ang kanilang karapatang makaboto habang napoprotektahan at naaalagaan ang sarili laban sa sakit.
Idinagdag ni Quimbo, kahit wala na ang COVID-19 ay dapat mayroon pa ring postal voting para sa mga senior citizens sa kadahilanang hindi na dapat nahihirapan at napapagod ang mga ito sa pagpila at pakikipagsiksikan tuwing halalan.