Kaso ng COVID-19 sa Batasang Pambansa umakyat na sa 62

Umakyat na sa 62 ang kaso ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ay matapos magpositibo sa sakit ang dalawang kawani mula sa Engineering Department.

Ayon kay House Secretary-General Atty. Jose Luis Montales, close contactsa ng mga ito sa nagpositibo rin sa COVID-19 sa kanilang tanggapan.

Huling pumasok sa trabaho ang dalawa noong August 24 at 25.

Nagsasagawa na ng contact tracing ang Kamara para sa mga nakasalamuha ng mga ito.

Sa ngayon mayroong 15 aktibong kaso ng COVID-19 ang Kamara.

 

 

 

Read more...