Pahayag ito ng pangulo sa 2020 Aqaba Process Virtual Meeting kung saan ang nag-host ay si Jordanian King Abdullah II.
Ayon sa pangulo, hindi dapst na kalimutan ang paglaban sa terorismo sa gitna ng kinakaharap na pandemya sa COVID-19.
Inorganisa ang pagpupulong ng state leaders at pinuno ng international organization para talakayin ang vulnerability ng mga bansa sa radicalizaton at violent extremism bunga ng COVID-19 pandemic.
Panawagan ng pangulo sa mga kapwa lider, maging bukas ay magkarooon ng mas matibay na kooperasyon at pagkakaisa para makarekober ang ekonomiya sa kabila ng banta ng terorismo at pandemya sa COVID-19.
Hindi aniya sapat na rason ang COVID-19 para magdusa ang taong bayan dahil sa terorismo.