Ilang barangay sa QC apektado ng water service interruption

Nakararanas ng service interruption sa ilang mga barangay sa Quezon City.

Dose oras ang mararanasang low pressure hanggang sa tuluyang pagkawala ng suplay ng tubig na nag-umpisa alas 10:00 ng umaga kanina at tatagal hanggang alas 10:00 ng gabi mamaya.

Apektado ang mga Barangay Batasan Hills, Commonwealth, Holy Spirit at Payatas.

Ayon sa abiso ng Maynilad ang service interruption ay dahil sa maintenance activity sa La Mesa Pumping Station.

 

 

Read more...