Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules (Sept. 3) ay 26,176,140 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 287,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 37,000 na dagdag na mga kaso.
Sumampa naman na sa 4 na milyon ang kaso ng COVID-19 sa Brazil matapos makapagtala pa ng mahigit 48,000 na dagdag na kaso.
Mahigit 82,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 6,290,737
Brazil – 4,001,422
India – 3,848,968
Russia – 1,005,000
Peru – 663,437
Colombia – 633,339
South Africa – 630,595
Mexico – 610,957
Spain – 479,554
Argentina – 439,172