Guiuan, Eastern Samar niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.

Sa datos mula sa Phivolcs na nakuha ng Radyo INQUIRER, naitala ang pagyanig sa 30 kilometers southwest ng bayan ng Guiuan, alas-9:32 umaga ng Huwebes (September 3).

May lalim na 41 kilometers at tectonic ang origin nito.

Naitala naman ang instrumental intensity 1 sa Palo, Leyte.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

 

 

 

Read more...