Tumagilid na 18-wheeler truck sa Maynila inabot ng siyam na oras bago naialis

Isang cement mixer ang tumagilid matapos mahulog ang gulong nito sa Lambingan Bridge sa Santa Ana, Maynila.

Dahil sa naturang aksidente, pansamantalang isinara ang Lambingan Bridge at hindi pinadaanan sa mga motorista.

At dahil may kalakihan ang truck, hindi agad ito naiangat.

Inabot ng halos siyam na oras bago naialis ang truck mula sa pagkakabalahaw sa hukay.

Pasado alas 5:00 ng umaga ng maitabi na ang truck.

 

 

Read more...