89 na dagdag na kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng 98 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health-Eastern Visayas na nakuha ng Radyo INQUIRER, dahil sa dagdag na mga kaso umabot na sa 3,160 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Umabot naman na sa 1,920 ang mga gumaling sa sakit at 1,215 na lang ang aktibong kaso.

Ang mga bagong kasong naitala ay mula sa lalawigan ng Leyte, Samar, Biliran, Northern Samar at Eastern Samar.

Karamihan ay close contacts ng nauna nang mga pasyente.

Habang mayroon ding mga LSI na umuwi ng kani-kanilang lalawigan at 10 healthcare workers.

 

 

 

Read more...