Ang bagyo na mayroong international name na “Haishen” ay huling namataa sa layong 1,800 kilometers east ng Basco, Batanes.
Taglay ng Typhoon Haishen ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Ayon sa PAGASA, saglit na papasok sa bansa ang bagyo bukas, araw ng Biyernes.
Sa sandaling pumasok sa bansa ay papangalanan itong “Kristine”.
Wala naman itong magiging direktang epekto dahil hindi ito lalapit sa landmass ng bansa at agad ding lalabas ng PAR.
Ngayong araw, magiging maaliwalas ang panahon sa buong bansa.
Magkakaroon lamang ng isolated na pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorm.