Sunog sumiklab sa isang residential area sa Maynila

Sumiklab ang sunog sa bahagi ng España, Maynila.

Batay sa impormasyon mula sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, residential area sa bahagi ng Sisa Street ang apektado ng sunog.

Umabot sa unang alarma ang sunog sa nasabing lugar.

Idineklara namang fire out sa lugar bandang 5:20 ng hapon.

Patuloy namang inaalam kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Read more...