Bilang ng Filipino abroad na tinamaan ng COVID-19, halos 11,000 na

Mayroon pang napaulat na 10 nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 2, umakyat na sa 10,096 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 74 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,162 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Tatlo naman ang bagong gumaling kung kaya 6,177 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, dalawa naman ang napaulat na nasawing overseas Filipino.

Dahil dito, 757 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,975 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,166 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 798 naman ang kaso sa Americas at 1,157 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...