BREAKING: Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 226,440 na

Mahigit 2,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (September 2), umabot na sa 226,440 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 64,207 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,218 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

91.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.4 porsyento ang asymptomatic; 1.0 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nakuha ang mga datos mula sa 102 out of 110 licensed laboratories.

Nasa 27 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 3,623 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 609 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 158,610 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...