Ito ang sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III at aniya, makakakuha rin ng insurance benefits ang pamilya nina Clark Gasis at Merriner Bertoces kapag sila ay miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ibinahagi din ni Bello ang ulat mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Abu Dhabi na walong Filipino pa, kasama ang dalawang sanggol, ang nasugatan sa insidente.
Lima sa kanila ang pinauwi na matapos magamot sa ospital, samantalang isa ang nananatiling ‘under observation.’
Nabatid na ang 39-anyos na si Gasis ay isang electrical draftsman at tubong Surigao del Sur, samantalang si Bertoces, 26-anyos, ay mula sa Negros Oriental at nagtatrabaho sa sumabog na KFC sa Airport Road.
Sa tangke ng gas sa loob ng restaurant sinasabing nagmula ang pagsabog.