Higit 78,000 pang COVID-19 cases, nadagdag sa India

Nasa 78,357 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (September 2), pumalo na sa 3,769,523 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 801,282 pa ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 62,026 ang mga gumaling.

Dahil dito, 2,901,908 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.

Umakyat naman sa 66,333 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...