Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:15 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Pampanga, Batangas, Nueva Ecija at Zambales.
Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Quezon partikular sa Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas at Dolores.
Asahang uulanin din ang bahagi ng Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Rizal at San Pablo sa Laguna.
Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
MOST READ
LATEST STORIES