Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, may ipinataw na ring preventive suspension sa mga PhilHealth official.
Una rito, tinanggap na ni Pangulong Duterte ang resignation ni dating PhilHealth President Ricardo Morales.
Inatasan din ng Pangulo si bagong PhilHealth President Dante Gierran na balasahin ang mga regional vice president.
“Tingin ko naman sapat ang ginawa ni Presidente na pinalitan niya po at nagtalaga siya ng bagong presidente at CEO ng PhilHealth at nagpapatuloy po ang imbestigasyon. Meron na pong mga na-preventive suspension, halos lahat ng miyembro ng execom ng Philhealth ay udne rprveentive suspension for six months without pay,” pahayag ni Roque.
Seryoso aniya si Pangulong Duterte na walisin ang korupsyon sa PhilHealth.
“So thingin ko po seryoso ang presidente at tinatanggap ng taumbayan kung gano ka seryoso ang Presidente para linisin ang hanay dyan sa PhilHealth ng sa ganon magkaroon ng katuparan ang ating sinulong na Universal Health Care, libreng gamot at libreng pagamot sa lahat ng Pilipino,” pahayag ni Roque.
Marami sa mga miyembro ng PhilHealth ang nadismaya at nawalan ng tiwala nang maibunyag sa publiko na paubos na ang pondo ng ahensya dahil sa korupsyon.