Currimao, Ilocos Norte niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 126 kilometers northwest ng bayan ng Currimao, ala-1:52 hapon ng Miyerkules (September 2).

May lalim na 32 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng malakas na pagyanig.

Read more...