Sa tropical cyclone advisory ng PAGASA, isa nang severe tropical storm ang bagyo.
Huling namataan ang Severe Tropical Storm “Haishen” sa layong 2,100 kilometers Silangan ng Extreme Northern Luzon bandang 10:00 ng umaga.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Southwest sa bilis na 20 kilometers per hour.
Base sa forecast track, posibleng pumasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes, September 4.
Oras na makapasok ng bansa, tatawagin ang bagyo na “Kristine.”
Sinabi pa ng weather bureau na inaasahang patuloy na lalakas ang bagyo.
Dahil malayo sa kalupaan ng bansa, hindi direktang makakaapekto ang bagyo sa lagay ng panahon sa bansa sa susunod na limang araw.