Lifting ng travel ban sa health workers malabo pa

Photo grab from PCOO Facebook video

Wala lang balak sa ngayon si Pangulong Rodrigo Durerte na payagan ang mga health worker magtungo sa abroad at magtrabaho.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nais kasi ni Pangulong Duterte na ilayo sa kapahamakan ang mga health worker sa gitna ng banta ng COVID-19.

Dagdag ni Roque, pinoprotektahan lamang ng pangulo ang mga health worker.

Tiyak aniyang mas maraming kaso pa ng Covid 19 ang pupuntahang bansa ng mga health worker.

“Okay lang po iyon because the President encourages naman free thought even amongst the cabinet secretaries especially on matters that do not fall within their primary jurisdiction. Pero ang pangunahing dahilan po kung bakit pinagbawalan ng Presidente, we are number 22 in the world for number of COVID cases at sigurado po ako lahat ng gustong magtrabaho sa abroad are going to places na mas marami pa pong kaso ng COVID,” ayon kay Roque.

Bukod dito, sinabi ni Roque na nangangailangan din kasi ang bansa ng sariling mga health worker dahil sa madami pa rin ang kaso ng COVID-19.

Abril nang magpatupad ng travel ban ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA) sa mga health worker.

 

 

Read more...