Biyahe ng LRT-1 nagka-aberya

Nagka-aberya ang operasyon ng LRT line 1.

Alas 12:24 ng tanghali ngayong Miyerkules (sept. 2) nang maglabas ng abiso ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) na kinailangang mapatupad ng 15kph speed restriction sa biyahe ng mga tren mula Baclaran to Roosevelt.

Ito ay dahil sa isang tren nila ang nagkaproblema.

Alas 12:31 ng tanghali muling naglabas ng abiso ang LRT-1 na itinigil muna ang operasyon ng mga tren mula Baclaran to Roosevelt.

Ayon sa LRT-1 ang nagkaproblemang tren ay nasa bahagi ng 5th Avenue Station – Northbound.

Agad namang gumawa ng paraan ang mga tauhan ng LRT para maiayos ang problema.

Alas 12:55 ng hapon nang maibalik na sa normal ang biyahe ng LRT-1.

 

 

Read more...