Palimbang, Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 17 kilometers southeast ng bayan ng Palimbang, alas-11:30 umaga ng Miyerkules (September 2).

May lalim na 32 kilometers at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...