Ayon kay Salceda, naniniwala siya sa kwalipikado sa posisyon ang dating pinuno ng National Bureau of investigation sa state health insurer.
Ang kailangan anya upang maging Philhealth chief ay mayroong pitong taong experience sa larangan ng public health, management, finance at health economics o kaya naman ay kumbinasyon ng mga ito.
Ang management experience anya ay magagamit ni Gieran bukod pa sa isa itong accountant.
Magagawa anya ni Gieran ang kanyang trabaho kung ito ay mayroong mga staff na may kaalaman sa public health, finance, at economics.
Sabi ni Salceda kapag nagpatupad ng reporma sa Philhealth ang opisyal sa tulong ng Kongreso ay mapabubuti nitoi ang kasalukuytang sitwasyon ng ahensya.
Kaugnay nito, inirekomenda ng mambabatas kay Gieran na magpatupad ng structural reforms sa PhilHealth upang ma-address ang mga anomalya na bumabalot dito.
Sa kanyang 33-pahinang report sa state health insurance system, iginiit ni Salceda ang pagkakaroon ng “system-audit” sa PhilHealth partikular sa reform—reserve fund management, collections, claims and benefits at governance.