Petsa ng itatagal ng quarantine classification binago ng IATF

Photo grab from PCOO Facebook video

Sa halip na dalawang linggo, tig-isang buwan na ngayon ang quarantine classification sa bansa.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, binago ng Inter Agency Task Force ang patakaran para magkaroon ng stability ang ibat ibang local government units sa bansa sa pagresponde sa COVID-19

Mahirap kasi aniya kung pabago-bago ang mga patakaran kada dalawang linggo.

Ayon kay Roque, bukod sa stability magiging maayos din ang implementasyon ng mga LGUs sa mga granular o localized lockdown sa mga bara barangay.

Mayroon din aniyang continuity kung kada buwan ang quarantine classification.

“minabuti na po ng IATF na gawing isang buwan para magkaroon ng stability ‘no iyong iba’t ibang mga lokal na pamahalaan. Napakahirap po kasi kung magbabago ang rules every two weeks. So ngayong every month na po, hindi lang siya magiging stable at mas malo-localize po kasi ngayon iyong mga ginagawa ng mga LGUs kasama na rin po diyan iyong mga localized at granular lockdowns. So parang mas mayroon pong continuity kung one month,” ani Roque.

Nasa general community quarantine ngayon ang Metro Manila hanggang Sept. 30.

 

 

 

Read more...