Korapsyon, ilegal na droga pinatututukan ng Malakanyang sa bagong PNP chief

Photo grab from PNP’s Facebook live video

Pinatutugunan ng Palasyo ng Malakanyang kay bagong Philippine National Police chief Police Lieutenant General Camilo Pancratius Cascolan ang isyu ng korapsyon, at ilegal na droga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ito ang inaasahan ni Pangulong Duterte mula kay Cascolan.

Si Cascolan ay nakatakdang manungkulan bilang PNP chief simula ngayong araw.

Ito ay kasunod ng pagreretiro sa pwesto ni PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa.

Sa November 10 ay sasapit na din sa mandatory retirement age na
56 si Cascolan at magreretiro din agad sa pwesto.

 

 

 

Read more...