Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag
Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 180.06 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (September 2) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 180.37 meters.
Bahagya ring nabawasan ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 98.97 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 99.00 meters habang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 78.99 mas mababa sa antas nito kahapon na 79:00 meters.
Samantala, ang water level ng Binga, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang tubig sa Ambuklao at Caliraya dams.
Nanatili naman ang antas ng tubig ng San Roque dam sa 237.06 meters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.