Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City, 3,389 na

Nasa 3,389 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Martes ng hapon (September 1), sa nasabing bilang ay 768 ang aktibong kaso.

840 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 533 ang suspected cases.

Samantala, 2,502 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 119 naman ang nasawi.

Read more...