Sen. Go suportado ang rekomendasyon na kasuhan sina Duque, Morales

Sinuportahan ni administration Senator Christopher “Bong” Go ang mga naging rekomendasyon ng Senate Committee of the Whole na kasuhan ang ilang opisyal ng PhilHealth.

Kasabay nito, pinuri pa ni Go ang mga kapwa senador dahil sa pagsusumikap na mailantad ang mga maling gawain sa PhilHealth.

Kabilang sa naging rekomendasyon ng komite ay pagsasampa ng mga kasong malversation of public funds at korapsyon laban sa mga opisyal sa pangunguna ni Health Secretary Francisco Duque III at resigned PhilHealth president Ricardo Morales.

Kasabay nito, hinamon na ni Go si Dante Gierran, ang bagong mamumuno sa PhilHealth, na linisin ang kanyang bagong bakuran ng mga tiwali.

“Your mission is to bring back public trust to PhilHealth and make sure that funds will be used properly to provide Filipinos better healthcare service,” ang bilin ni Go kay Gierran.

Read more...