Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, 1,530 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (3:00 PM, Martes, September 1) pumalo na sa 1,530 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 320 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay 54 na.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 1,156 na.

Read more...