COVID-19 cases sa Quezon City, 11,737 na

Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 11,737 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Martes ng umaga (September 1).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 2,100 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

9,212 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 425 ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 11,890 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...