Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (September 1) 4,179 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
710 pulis ang itinuturing na probable cases habang 2,867 ang suspected cases.
Apat namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 2,842 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 16 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES