Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 3,764

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Lunes, August 31), nadagdagan ng 64 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 3,764.

Sa nasabing bilang 1,287 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 221 kung saan isa ang nadagdag.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 5,272.

Read more...