Bilang ng PCG personnel na gumaling sa COVID-19, 1,081 na

Pumalo na sa 1,000 ang bilang ng tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na gumaling sa COVID-19.

Sa datos hanggang August 31, 211 ang bagong napaulat na naka-recover sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, nasa kabuuang 1,081 na ang total recoveries sa hanay ng PCG.

Samantala, 321 ang bagong napaulat na kaso kung kaya umabot na sa 1,318 ang kabuuang bilang ng PCG personnel na tinamaan ng pandemya.

Sa nasabing bilang, 237 pa ang aktibong kaso.

Isang tauhan naman ng PCG ang naka-confine sa ospital.

Tiniyak ng PCG na regular na tinututukan ang kondisyon nito.

Wala namang napaulat na nasawi sa kanilang hanay bunsod ng nakakahawang sakit.

Nagpasalamat naman si PCG Commandant, Admiral George Ursabia Jr. sa lahat ng nag-alay ng panalangin para sa mabilis na paggaling ng PCG personnel na naapektuhan ng COVID-19.

“We give thanks and glory to God for His unfailing grace to our frontline personnel who have recovered and returned to service, as well as to our fellow Filipinos who include our health and safety in their daily prayers. Through your support, we remain strong and persevering. Rest assured that we will continue to aid the national government in its fight against COVID-19. We will heal as one!,” pahayag ni Ursabia.

Read more...